Nagsimula na ang Rehistrasyon sa Ikalawang Pagsusuri ng Kasanayan ng Technician sa Buong Bansa sa Taon 2026(4-10)
Ang Skill Evaluation Center ng Workforce Development Agency ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa “Taon 2026 Ikalawang Pagsusuri ng Kasanayan ng Technician sa Buong Bansa” mula Abril 24 hanggang Mayo 5, 2026. 1. Maaaring punan ang papel sa aplikasyon at maaaring gawin din ang aplikasyon sa online. Bagong simula ang aplikasyon sa online sa buong bansa, hindi kinakailangan mag-print out ng mga kaugnay na dokumento. Pindutin lamang ang “Submit” matapos punan ang mga impormasyon sa aplikasyon. 2. Link sa rehistrasyon sa online: (https://gov.tw/USV) 3. Saan bibilhin ang papel na aplikasyon form: (1) Convenience store: Pumunta sa alin mang Family Mart sa buong bansa sa panahon ng pagtitinda. (May dalawang uri, isang pagsusuri sa kasanayan sa buong bansa na nasa puting envelope at isang para sa agarang pagsusubok at pagsusuri at pagbibigay ng sertipikasyon na nasa brown envelope. Bigyan ng pansin kapag bumibili). (2) Pre-order sa convenience store: Maaaring mag-order sa FamiPort (Family Mart) 7 araw bago magsimulang magtinda. (3) Bumili nang maramihan o nang kaunti: Maaaring bumili mula sa lugar na may serbisyong pagsusuri sa kasanayan, lugar na may tindang aplikasyon sa buong bansa o makipag-ugnay sa Skills Evaluation Center (Maaaring tumawag sa 05-5360800 ext. 529 o sa https://skill.tcte.edu.tw 4. Opisinang tumatanggap ng rehistrasyon: Testing Center for Technological and Vocational Education (No. 123-5, Sec. 3, Dashieh Road, Lungsod ng Douliu, Yunlin County), telepono 05-5360800 ext. 521-523, 525-529. 5. Nakatakda ang akademikong pagsusuri (pagsusulat) sa Hulyo 15, 2026 (Gagawin rin sa araw na ito ang pagsusuri sa kakayahan). Para sa mga detalye, tingnan ang kalakip.
2026-05-04

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
