Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2023 “Pasko sa Taipei Walang Hangganang Pagmamahal”, Mula 12/2, maliwanag ang mga ilaw sa Hsinseng South Road! (12-5)

Nagsimula na ang aktibidad “2023 Pasko sa Taipei Walang Hangganang Pagmamahal”! Kinagabihan ng 12/2, pinangunahan ni Taipei Mayor Chiang Wan-An ang pagsindi ng ilaw sa Christmas tree sa Daan Park Exit 11 at sa limang lugar ng mga ilaw sa Hsinsheng South Road at kasama ang mga ministro at pari ng iba’t ibang simbahan sa Lungsod ng Taipei, nagdasal para sa pagpapala. Ngayong taon, nakipagkooperasyon ang Kagawaran ng Turismo at Impormasyon sa dalawang malaking business circle sa Gongguan at sa Yongkang, isinagawa ang “Bumunot ng magandang regalo kapag umabot sa takdang halaga”. May mga premyong Dyson hair blower, Apple Watch at iba pa. Inaanyayahan ang publiko, mamasyal sa mga kalye’t iskinita sa Hsinsheng South Road, pumaroon sa mga tindahan sa paligid nito at maranasan ang lamig ng panahon at init ng pagdiriwang ng Pasko sa Taipei.


Ipinahayag ng mayor, sa daan papuntang langit sa Hsinsheng South Road, Sec. 1- Sec. 3, mararamdaman ng mga mamamayan sa lungsod ang masayang pagsapit ng Pasko sa pamamagitan ng mga ilaw at palamuti, paglalakad at pagkaroling at mga tindahan sa paligid. Magkakaiba ang paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa buwan ng Disyembre sa bawat lugar sa mundo, tulad ng Santa Klaus sa Finland, ginagamit ang sapot ng gagamba pang-dekorasyon sa Christmas tree sa Ukraine, kumakain ng pritong manok sa pagdiriwang sa Japan. May magkakaibang kultura ang bawat lugar. Bukod sa “Walang Hangganang Pagmamahal tuwing Pasko”, nagsimula na rin ang aktibidad na “Taipei Xmas” sa Xinyi Commercial Area. Madarama ng mamamayan ang diwa ng Pasko sa bawat lugar sa Taipei at inaanyayahang makilahok ang madla.


Ipinakilala ng Kagawaran ng Turismo at Impormasyon ang “2023 Pasko sa Taipei Walang Hangganang Pagmamahal”, matatagpuan ang limang lugar ng mga ilaw sa Hsinsheng South Road na tinatawag na “daan papuntang langit“- sa Taipei Wesley Methodist Church, Seventh-day Adventist Church, Holy Family Catholic Church, Taipei Peace Presbyterian Church at Truth Lutheran Church. May mga magkakaibang itsura ng palamuting ilaw, mga bolang nagkikinang sa pasilyo, iba’t ibang hugis ng hayop at mga puso. Naglagay rin ang Taipei Metro ng isang malaki at may 9 na metrong taas na Christmas tree sa Exit 11 ng Daan Park Station, lumikha ng kakaibang tanawin ng sining sa kalsada.


Mag-iilaw ang limang lugar tuwing 17:00-22:00 bawat araw hanggang Marso 3, 2024 at hahabaan ang oras ng pagsindi ng ilaw hanggang 2:00 ng madaling araw sa Disyembre 24 at 24 at sa Disyembre 31 upang maging masaya at mag-iwan ng magandang alaala sa mga taong namamasyal.


Higit pang ipinaliwanag ng Kagawaran ng Turismo at Impormasyon, nakipagsama rin sa mga tindahan sa Yongkang at Gongguan ngayong taon, at may papremyong aktibidad upang maakit ang mga taong pumarito sa business circle. Mula ngayon hanggang Enero 15, 2024, maaaring magtamo ng 1 puntos sa bawat $100 na mabibili sa nakatalagang tindahan sa TaipeiPASS. Maaaring ipalit ang 3 puntos sa isang pagkakataon sa papremyo. Madadagdagan ng pang-apat na pagkakataong magkamit ng premyo kapag nakaipon ng 10 puntos. Kabilang sa mga premyo ang Dyson hair blower, Apple Watch at iba pa. Kasama sa unang papremyo ang Taipei Water Department at may pagkakataong manalo ng PS5, iPad10, Nestle coffee maker. Iniimbitahang mamasyal ang publiko sa lugar na may mga ilaw, pumasyal sa mga tindahan sa paligid at tikman ang mga masasarap na pagkain.


At may karagdagan pa, may aktibidad sa pagkuha ng magandang litrato ang Kagawaran ng Turismo at Impormasyon. Magpakuha ng litrato sa may limang lugar ng mga ilaw o sa mga simbahan sa Hsinsheng South Road, i-post sa IG, ibahagi sa lahat ng tao at i-tag na @taipeitravel、#2023 Taipei Christmas – Infinite Love #Daan papuntang Langit, tapusin ang mga takdang kondisyon at may pagkakataong manalo ng EasyCard na may itsurang Polaroid at Bravo Bear. Aktibidad mula ngayon hanggang Enero 15, 2024. Para sa mga detalye, maaaring magtanong sa Taipeitravel FB.


Idinagdag pa ng Kagawaran ng Turismo at Impormasyon, gaganapin sa Disyembre 23 ang aktibidad na “Paglalakad at Pagdadala ng Magandang Balita”. Magsisimula sa Truth Lutheran Church at magtatapos sa plaza ng Taipei Water Park sa Siyuan St. Inaanyayahan ang publiko at magyaya ng mga kaibigan, sumama sa paglalakad, magdala ng magandang balita, magpamigay ng regalo at salubungin ang pagsapit ng Pasko. Magaganda ang mga palamuting nilalagay sa mga simbahan tuwing buwan ng Disyembre at nagsasagawa ng iba’t ibang makukulay na aktibidad sa Church of Christ, Bread of Life Christian Church at Grace Baptist Church. Para sa mas madami pang aktibidad at para sa pinakabagong balita, tingnan ang Taipei Travel.


Reprint sa Kagawaran ng Turismo at Impormasyon


Petsa ng Pagpapahayag

2023-12-18