Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

【Anunsyo】 Nasyonal Imigrasyon Ahensya 2023 Planong Gantimpala at Scholarship sa Bagong Imigrante at mga Anak (nakatakdang magsisimula ang pagtanggap ng rehistrasyon Pebrero 22, 2024) (12-3)

Mga dapat alamin:

A. Petsa ng pagtanggap ng rehistrasyon at anunsyo sa pagtamo ng subsidiya:

 (1) Panahon ng rehistrasyon: Dapat matapos ang rehistrasyon sa sistema mula Pebrero 22, 2024 (Huwebes) hanggang Marso 22, 2024 (Biyernes). I-download ang application form na may numero ng rehistrasyon sa sistema at ipadala sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya kasama ng ibang kinakailangang dokumento bago Marso 29, 2024 (Biyernes), sang-ayon sa tatak sa selyo. Hindi tatanggapin kapag lipas na sa panahon.

 (2) Anunsyo sa mga pangalan ng nagtamo ng gantimpala at scholarship: Nakatakda sa katapusan ng buwan ng Mayo, 2024.



B. Kwalipikasyon: Bagong imigrante at mga anak.

C. Kategorya at Halaga:

 (1) Kategorya: Kabilang ang gantimpala sa natatanging talento ng anak ng bagong imigrante, gantimpala sa Presidential Educational Award, scholarship sa mga bukod-tanging bagong imigrante at mga anak, tulong sa mga bagong imigrante at anak na nangangailangan at gantimpala sa bagong imigranteng may nakuhang lisensya.

 (2) Halaga: Depende sa aplikasyon, may halagang $2,000 – 50,000 na gantimpala at scholarship.

https://www.immigration.gov.tw/5385/7229/7232/359369/cp_news

Petsa ng Pagpapahayag

2023-12-18