Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei “Flu sa Kaliwa, COVID sa Kanan, maging Malusog at Bumunot ng Premyo”, Doble Proteksyon, Mas Panatag (10-1)
Isinasagawa ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei ang “Flu sa Kaliwa, COVID sa Kanan, Maging Malusog at Bumunot ng Premyo”. May pagkakataong manalo ng iPhone 17, LCD telebisyon, air purifier at gift voucher ang umaangkop sa kwalipikasyon na mamamayan ng lungsod at natapos ang pagturok ng bakuna sa influenza o sa COVID sa panahon ng aktibidad! I. Panahon ng Aktibidad: Oktubre 1 – Nobyembre 30, 2026 II. Sino ang maaaring sumali: Mamamayang nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at umaangkop sa kwalipikasyon sa libreng bakuna para sa influenza o COVID. III. Paraan ng Pagsali: Matapos magpabakuna sa nakakontratang ospital, klinika o istasyon sa Lungsod ng Taipei sa loob ng panahon ng aktibidad, maaaring sumali sa kategoryang indibidwal. Bukod dito, maaaring magyaya ng mga kamag-anak at kaibigan, at magrehistrong sumali sa pang-grupong papremyo. (A) Premyong pang-Indibidwal: 1. Natapos ang bakuna sa influenza, may 1 pagkakataong magtamo ng premyo. 2. Natapos ang bakuna sa COVID, may 1 pagkakataong magtamo ng premyo. 3. Natapos ang 2 bakuna sa parehong araw, may dagdag na 1 pang pagkakataon. May 3 pagkakataong magtamo ng premyo ang bawat tao. (B) Premyong pang-Grupo: 1. Pinakamarami ang 5 tao sa bawat grupo. Dapat may rehistradong tirahan sa Lungsod ng Taipei ang bawat isa. Hindi maaaring maulit ang pakikilahok sa ibang grupo. 2. Ang miyembrong umaangkop sa aktibidad ay magkakaroon ng 1 punto sa pagturok ng bawat bakuna, 2 puntos sa dalawang uring bakuna. Pinakamarami ang 2 puntos sa bawat isang tao. 3. Punan ang rehistrasyon sa premyong pang-grupo at ang bawat grupo ay dapat may 5 puntos at higit pa bago maaaring makilahok sa premyong pang-grupo. 4. Form na dapat punan sa pakikilahok sa premyong pang-grupo: https://forms.gle/7NegPWoWQ3eZXj1g6 IV. Anunsyo sa Papremyo: May 2 beses na papremyo sa Premyong pang-Indibidwal. Ang hindi nanalo sa unang beses ay kasali pa rin sa pangalawang beses ng papremyo. Iaanunsyo ang pangalan ng mga nagtamo ng premyo bago Nobyembre 18, 2026 at bago Disyembre 16, 2026. Iaanunsyo ang pangalan ng mga nagtamo ng premyong pang-grupo bago Disyembre 16, 2026. V. Para sa iba pang detalye ng aktibidad at impormasyon sa pagturok ng libreng bakuna, maaaring tingnan sa opisyal website ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei: https://health.gov.taipei/ VI. Kapag may tanong ukol sa aktibidad, maaaring tumawag sa 02-2771-1001 (Lunes – Biyernes, 10:00-17:00) o mag-iwan ng mensahe sa LINE (@366fpxht).
2026-10-13
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
