Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ang matuklasang paglabag sa batas ng may dala o magpasok sa paraang courier ng hayop o halaman na dapat ma-quarantine ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng 7 taon pababa at pagbayad ng multang NT$3,000,000 o mas mababa. (1-1)

Ang mga hayop, halaman o iba pang kaugnay na produktong ipinapasok sa bansa ay dapat tumutugon sa nakatakdang “Regulasyon sa Pag-iwas at Kontrol ng Nakakahawang Sakit sa mga Hayop” at “Plant Protection and Quarantine Act”. Ang matuklasang lumabag sa batas na may dala o magpasok sa paraang courier ng hayop o halaman na dapat ma-quarantine ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng 7 taon pababa at pagbayad ng multang NT$3,000,000 o mas mababa.
 
Mula Enero hanggang Disyembre, 2020, may nahuling 184 kaso ng mga bagong imigrante sa Taiwan o mga dayuhang manggagawa sa Taoyuan International Airport, dahil sa paglabag sa batas, nagpasok sa paraang cargo ng stink beans, mangosteen, calamansi at mga produktong karne na dapat i-quarantine, ipinasa sa kriminal imbestigasyon o pinagbayad ng multa. Ipinapaalala na huwag bibili ng mga produktong dapat i-quarantine mula sa mga website sa ibang bansa at ipaalala rin sa mga kamag-anak at kaibigan na huwag basta-bastang magpapadala ng anumang produkto ng hayop o halaman dito sa Taiwan, upang hindi masangkot at maparusahan ang tagapagtanggap dito.

Ukol sa patakaran sa quarantine ng mga hayop, halaman o iba pang produktong madalas dalhin ng mga taong dumadating sa bansa, tingnan ang website ng Bureau of Animal and Plant Health Inspection and Quarantine
 

Petsa ng Pagpapahayag

2021-01-05