Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

​Malala pa rin ang African Swine Fever Epidemya sa buong mundo. Huwag magdadala o gumamit ng paraang courier labag sa regulasyon sa pagpasok ng hayop o halaman na dapat dumaan sa quarantine!(5-12)

Dapat sumang-ayon sa kaugnay na patakaran ng “Statute for Prevention and Control of Infectious Animal Diseases” at “Plant Protection and Quarantine Act” ang hayop, halaman o mga kaugnay na produktong ipinapasok sa bansa. Ang mahuling lumalabag sa batas at nagdadala o nagpapasok sa bansa sa paraang pagpapadala sa koreo o courier delivery ay maaaring pagmultahan ng pinakamataas na halagang NTD1 milyon.
 
Mula Enero hanggang Abril 2021, mayroon nang 20 kaso ng bagong imigrante o dayuhang manggagawa sa Taiwan, naparusahan ng pagbayad ng multa sanhi ng paggamit sa courier delivery ng stink bean, bawang, tanglad, luya at mga produktong karne. Ipaalala sa pamilya na huwag magpadala ng mga produktong karne at mga halaman sa Taiwan upang maiwasan ang paglabag sa batas at pagparusa sa taong tagapagtanggap.
 
Patakaran sa quarantine ng hayop, halaman at ibang produktong madalas dalhin ng mga naglalakbay:  https://www.baphiq.gov.tw/ws.php?id=10719

Petsa ng Pagpapahayag

2021-05-31