2026 “Programa sa Pagpapahusay ng Digital Aplikasyon para sa Bagong Imigrante” Libreng Kursong Pag-aaral (7-1)
Isinasagawa ng Ministri ng Interior Nasyonal Imigrasyon Ahensya (NIA) ang libreng kursong pag-aaral para sa mga bagong imigrante. Kung nais sumali, tumawag sa 0800-005-788, “Hotline sa Libreng Pag-aaral sa Kompyuter para sa Bagong Imigrante” at may taong sasagot sa mga tanong at magbibigay ng tulong sa pagrehistro. Kasabay nito, ang umaangkop sa pagkilanlan na bagong imigrante ay maaaring humiram ng tablet computer o laptop nang walang bayad. Tumawag sa 0800-030-068, “Hotline sa Libreng Paghiram ng Tablet o Laptop para sa Bagong Imigrante” o pumaroon sa alin man sa 25 NIA service station upang gumawa ng aplikasyon. Ihahatid agad ang tablet o laptop sa iyo at may kasamang unlimited 4G mobile internet bawat buwan. Bukod dito, kapag may sertipikasyon ng low-income o middle low-income household, pamilyang may kakaibang sitwasyon o may miyembrong may pisikal o mental na kapansanan sa pamilya, maaaring magkaroon ng priyoridad sa serbisyong paghiram. Promo Video: https://www.youtube.com/watch?v=H3XITMv0pkE
2026-07-05

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
