Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2025 “Liwanag at Anino sa Lieyu” Paligsahan sa Potograpiya sa Bayan ng Lieyu sa Kinmen County (2-14)

Isinasagawa ng bayan ng Lieyu sa Kinmen County ang 2025 “Liwanag at Anino sa Lieyu” paligsahan sa potograpiya. Ang paksa ng potograpiya ay mga tanawin sa bayan ng Lieyu, ilahad ang kagandahan ng isla, isulong ang turismo at madagdagan ang pagtuklas at pagkilala ng mas marami pang tao sa natatanging likas at kultural na katangian ng Lieyu, at makaakit ng mga turista sa Lieyu. Sa pamamagitan man ng komposisyon, liwanag at anino, kulay at iba pang mga paraan sa pagkuha ng litrato, basta nagamit ang sarili mong mata sa paghuli ng kakaibang anyo ng Lieyu, malugod ka namin inaanyayahang sumali sa “Liwanag at Anino sa Lieyu” paligsahan sa potograpiya.

Tagasagawa: Opisina ng Bayan ng Lieyu, Kinmen County

Panahon ng Pagkuha ng Litrato: Enero 1 – Oktubre 31, 2025

Pagtanggap ng mga Lahok: Nobyembre 1-17, 2025

Lugar ng Aktibidad: Kinmen

Telepono: Miss Lo, 082-364510

Website ng “Liwanag at Anino sa Lieyu” paligsahan sa potograpiya: https://www.kinmen.travel/zh-tw/event-calendar/details/3958


Petsa ng Pagpapahayag

2025-02-20