3/27 Pagpupulong ukol sa Residensya sa Taiwan ng Mamamayan mula Hong Kong at Macau sa 13F ng Opisina ng Distrito ng Xinyi, Malugod na Paanyayang Magrehistro ~(2-9)
Upang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga kaibigan mula Hong Kong at Macau na namumuhay rito sa Taiwan, isinasagawa ng Mainland Affairs Council, Taiwan-Hong Kong Economic and Cultural Cooperation Council at Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ang “Pagpupulong ukol sa Residensya sa Taiwan ng mga Mamamayan mula Hong Kong at Macau”. Upang matulungan ang lahat na magkaroon ng panatag na pamumuhay sa Taiwan, inanyayahan ang mga kumakatawan sa nauugnay na opisina para magpaliwanag tungkol sa pagtira at residensya, trabaho at pagsimula ng negosyo, pamumuhunan at iba pang madalas na mga tanong sa pagtira sa Taiwan. Bukod sa pag-imbita sa mga kumakatawan mula sa Ministri ng Interior Nasyonal Imigrasyon Ahensya, Ministri ng Labor Workforce Development Agency, Investment Commission ng Ministri ng Economic Affairs, mayroon pang mga kumakatawan mula sa Pamahalaan sa Lungsod ng Taipei upang ipakilala ang iba’t ibang serbisyo at programa para sa mga bagong imigrante sa Taipei. Magbabahagi rin ang ilang bagong imigrante mula sa Hong Kong at Macau, ng kuwento ng kanilang pamumuhay sa Taiwan. Inaanyayahang magrehistro ang lahat para sa isang paglalakbay at pag-aaral, may makakamit na kaalaman at damdamin ~ ▲ Pagpupulong ukol sa Residensya sa Taiwan ng mga Mamamayan mula Hong Kong at Macau Petsa: Marso 27, 2026 (Biyernes) 14:00~16:30 Lugar: 13F Conference Room sa Opisina ng Distrito ng Xinyi, Lungsod ng Taipei (13F, No. 86, Fudeh St., Distrito ng Xinyi, Lungsod ng Taipei) Link sa Rehistrasyon: https://docs.google.com/forms/d/1VvYTCUJaudIzBdCEb8NBjLhxJEqtDbFPl7jzgOTs2XM/viewform?pli=1&pli=1&fbclid=IwY2xjawP6VVpleHRuA2FlbQIxMABicmlkETE3RVZETm9kNVIwcWh3Y0dac3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHjR6DvPr03HwbSfdYmIUY66oIE2i8w6tNd_Js7h4Rk9tr82R5WhZ7XQj_9iX_aem_LBYZqq0lVzmRzcmoJ9_YuQ&edit_requested=true
2026-02-25

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
