Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Iguhit ang Aking Bayan – Eksibisyon ng mga Likhang Sining Ng Bagong Imigrante (8-2)

Itatanghal sa Shilin New Immigrants’ Hall Agosto 12 – Setyembre 18, 2022 ang gawain ng mga mag-aaral sa kursong sining na isinagawa ng Opisina ng Distrito ng Xinyi para sa mga bagong imigrante. Ang kapwang bagong imigrante na Titser Liu, Wei-Hua ang nagturo sa mga mag-aaral ng paraan ng paggamit ng krayola, water color, sketch at collage sa pagguhit ng mga tanawin, gusali at eksenang pangkabuhayan sa sariling bayan upang maipahayag ang pag-aalala sa bayan nitong panahon ng pandemya at maipakita ang kagandahan ng lugar at tao sa magkakaibang mga lungsod. Inaanyayahang pumarito at manood ang lahat.

Petsa ng Pagpapahayag

2022-08-15