2026 Pista ng Imigrante sa Taipei ~ “Ang Aking mga Nasasaisip sa Taipei ~ Pagtanggap ng Entries” Nagsimula Na (10-5)
Anong itsura ng nakikita mong Taipei? May taong nagsasabi, ang kombenyenteng network ng MRT ang naglalarawan sa mabilis na tempo ng Taipei; at may taong nagsasabi rin na ang mga old streets at mga masasarap na pagkain sa night market ang mabagal na pamumuhay sa mga iskinita ng Taipei. Kahit na pumunta ka man rito para manirahan, mag-aral, magtrabaho o mamasyal, naniniwala akong may sarili kang kuwento ng Taipei. Iniimbitahan ka ngayon na gamitin ang isang guhit at mga salita, ibahagi ang iyong damdamin ng Taipei! ▼“Ang Aking Damdamin sa Taipei” Impormasyon sa mga Kalahok Paksa: Iguhit ang nakikita mong Taipei sa mata mo at magsulat ng isang talata ng sarili mong kuwento. Sino ang maaaring lumahok: Bagong imigrante, migranteng manggagawa, dayuhang mag-aaral at mga anak ng bagong imigrante. Panahon ng Aktibidad: Oktubre 1 (Huwebes) – Nobyembre 20 (Biyernes), 2026 ▼Nilalaman ng Kalahok: 1. Orihinal na likhang guhit: Maaaring guhit sa kamay o sa kompyuter o kombinasyon. 2. Mga salitang may kaugnayan sa Taipei: hindi maaaring humigit sa 30 salitang Chinese o 50 salita sa dayuhang wika (maglakip ng pagsasalin sa wikang Chinese). Paraan ng pagsali: Punan ang form ng paglalahok sa Google. I-upload ang guhit at ang isinulat na mga salita. Form sa paglalahok: https://reurl.cc/eQMg87 Paliwanag sa aktibidad: https://reurl.cc/rk4xgy Abiso sa 2026 Taipei Pista ng Imigrante Gaganapin ang “2026 Taipei Pista ng Imigrante” sa Disyembre 13 (Linggo) sa Sun Yat-Sen Memorial Hall Zhongshan Cultural Park sa bahaging kanluran ng plaza. Iniimbitahan kang makilahok at maranasan ang multikulturang alindog ng Taipei!
2026-10-22

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
