Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pagpapaliwanag sa Programang Pagpapanatili ng Dayuhang Manggagawa sa Matagalang Panahon (5-18)

Isasagawa ng Workforce Development Agency, Ministry of Labor ang “Pagpapaliwanag sa Programang Pagpapanatili ng Dayuhang Manggagawa sa Matagalang Panahon” upang mapanatili ang mga intermediate skilled na manggagawa at malutas ang suliraning kakulangan ng manggagawa sa mga industriya. 

Kasamang nakipagkooperasyon sa Direct Hiring Service Center, magsasagawa ng pagpapaliwanag sa mga among nag-direct hire ng tagapag-alaga (family caregiver) at mga nakapag-apply ng intermediate skilled na manggagawa.

Petsa ng Aktibidad: Hunyo 21, 2025 (Sabado) 13:00-17:00 hapon (Magsisimula ang rehistrasyon 12:45)

Lugar ng Aktibidad: Postal Museum (2F, No. 45, Sec. 2, Chongqing S. Road, Lungsod ng Taipei)

Inaanyayahan ang lahat na magrehistro at sumali sa pagpapaliwanag (maaari rin sumali sa online). Tumawag at magrehistro sa “Long-term Retention of Migrant Workers Service Center”, telepono 03-6591996 o magrehistro sa https://lrsc.wda.gov.tw/Booking/Seminar



Petsa ng Pagpapahayag

2025-05-26