Misyon Pagsusuri sa mga Bata, Bumunot ng Premyo pag natapos ang pagsusuring PeDS sa Taon 2026 (8-5)
Isinasagawa ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lungsod ng Taipei ang 2026 Pagsusuring PeDS Papremyong Aktibidad. Ang batang may 6 na buwan hanggang bago mag-7 taon gulang, may health insurance at nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei, maaaring sumali sa pagkuha ng premyo matapos ang bawat beses ng pagsusuring PeDS sa panahon ng aktibidad, at nai-upload ang sertipikasyon ng pagsusuri sa child development screening (green card). May pagkakataong magtamo ng madami at magagandang premyo. Panahon ng Aktibidad: Agosto 1, 2026 umaga 9:00 hanggang Nobyembre 14, 2026 hapon 6:00 Kwalipikasyon: Mga batang may edad 6 na buwan hanggang bago mag-7 taon gulang, may health insurance at nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei Paraan ng Aktibidad: Magtapos ng alin mang isang pagsusuring PeDS sa panahon ng aktibidad, at i-upload ang sertipikasyon ng pagsusuri sa child development screening (green card), at maaari nang sumali sa papremyong aktibidad. Website ng aktibidad: https://reurl.cc/6XZr9r Form na kailangang punan: https://reurl.cc/0k2QLY
2026-08-10
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
