Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Aktibidad “Taon 2022 Samahang Pagsuporta sa Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei” (8-7)

1.  Isasagawa ng Eden Social Welfare Foundation ang “Taon 2022 Samahang Pagsuporta sa Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei” sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei. Gaganapin ang aktibidad sa Setyembre hanggang Oktubre. Inaanyayahan ang mga bagong imigrante, kilalanin ang pangangalaga ng kalusugan sa panahon ng menopause at empty-nest period, gumawa ng paggalugad sa sarili, pamamahala sa positibong damdamin, pag-aaral ukol sa malusog na pagkain at inumin at mga iba pang pangangalaga sa kalusugan. Ipapakilala rin ang mga serbisyong pagsisilbi sa pangangalaga sa tahanan at pangmatagalang pangangalaga 2.0 sa panahon pagkatapos ng pandemya. At sa pamamagitan ng magkasamang pagbabasa ng kuwentong-aklat ng mga mag-anak, pagkilala sa kaalamang pangkalusugan ng mga bata upang madali at magkasamang matuto, masayang lumaki ang bagong imigrante at ang kanyang anak.
2.  Pagkatapos ng pag-aaral, maaaring kumuha ng katibayan sa bilang ng oras ng pag-aaral na pwedeng gamitin sa pagpapatunay ng kakayahan sa wika at pagkilala sa basic kaalaman sa karapatan at obligasyon ng mamamayan sa pag-apply ng naturalisasyon ng bagong imigrante.
3.  “Masayang Gumalaw-galaw, Hindi Tatanda ang Kalusugan~ Mas lalong Mahalin ang Sarili ~ Samahang Pagsuporta sa Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei” isasagawa sa Setyembre 6 hanggang Oktubre 25, 2022, 2:00-4:00 bawat Martes hapon at 1:30-4:30 sa pinakahuling araw, gaganapin sa Tzi-Yo Activity Center sa Distrito ng Songshan (No. 580, Sec. 4, Bade Road, Distrito ng Songshan, Lungsod ng Taipei 105).
4.  “Grupo ng Bagong Imigranteng Mag-anak, Nadagdagan ang Damdamin sa Magkasamang Pagbabasa” isasagawa sa Setyembre 7 hanggang Oktubre 26, 2022, 9:30-11:30 umaga bawat Miyerkoles at 9:30-12:30 sa pinakahuling araw (Oktubre 26) sa k.t.space (2F, No. 104, Xining N. Road, Distrito ng Datong, Lungsod ng Taipei).
5.  Sa may nais na magparehistro o sa may kaugnay na tanong, maaaring tumawag kay Social Worker Su, telepono: 2230-0339

Petsa ng Pagpapahayag

2022-08-19