Paanyayang Sumali sa Pagdalaw ng Bagong Imigrante sa mga Industriya “Paggalugad sa Pangserbisyong Trabaho, Bagong Pagkakataon sa Trabaho”(8-12)
Nais mo bang magkaroon ng mas malalim na pag-uunawa ukol sa kapaligiran ng trabahong pagsisilbi sa pagkain at magkaroon ng pagkakataong ma-interbyu? Sasamahan ng Taipei Employment Services Office ang mga bagong imigrante sa pagdalaw sa “COMEBUY Innovation Learning Center” at sa “Thai Town Global Mall Zhonghe Branch”at sa pamamagitan ng pagpapakilala ng industriya, paglibot sa lugar ng trabaho at pagranas ng trabaho, masiyasat ang mas marami pang posibilidad sa trabaho! Walang bayad ang buong aktibidad, may kasamang tanghalian. Malugod na inaanyayahang sumali ang mga bagong imigrante! Petsa ng Aktibidad: Setyembre 16, 2026 (Miyerkoles) 9:00-17:00 Sino ang maaaring sumali: Bagong imigrante Saan magtitipon: Mongjia 101 Bldg. 1F (No. 101 Bangka Blvd., Distrito ng Wanhua, Lungsod ng Taipei) Link sa rehistrasyon: https://okwork.gov.taipei/ESO/content/tw/iFrameSet/161108223245/sourceId/7173 Telepono: (02)2308-5231 ext. 703 Miss Zhang, ext. 712 Miss Yang
2026-08-29
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
