Ministri Ng Kalusugan at Kapakanan 2025 Edukasyong Pangkalusugan “Kapaligirang Walang Sigarilyo at Serbisyong Pagpigil sa Sigarilyo” (10-12)
<Mag-ingat, huwag lumabag sa batas! Mga Lugar na Walang Sigarilyo> 1. Ang electronic cigarette o vape ay ipinagbabawal na produkto. Ito ay nakaka-adik at hindi maaaring gamitin para mahinto ang paninigarilyo. Ayon sa tuntunin ng “Batas sa Pag-iwas sa Pinsala ng Sigarilyo”, may parusa ang nagtitinda at ang gumagamit ng vape at maaaring maparusahan ng NT$10,000 na multa. 2. Bawal magsigarilyo sa mga no-smoking na parke, paaralan, istasyon / hintayan ng bus at iba pang lugar na itinakda sa anunsyo. Ang sinumang lalabag nito ay maaaring mabigyan ng parusang pagbayad ng multa na NT$2,000 hanggang NT$10,000. 3. Kapaligirang Walang Sigarilyo - Mga Lugar na Walang Sigarilyo https://www.youtube.com/watch?v=Y57u2nyniac < Video Pakikipagtulungan sa Klinikang Pangkalusugan > Hindi lamang nakakapinsala sa baga ang paninigarilyo, maaari pa itong magdulot ng sakit sa puso, osteoporosis, maagang pagtanda at lumalaki ang panganib ng iba’t ibang uring kanser. Parehong nagdadala ng panganib sa kalusugan ang second-hand smoke at third-hand smoke, at hindi nakakaiwas ang pamilya at mga anak. Nais mo bang tigilan ang pagsigarilyo ngunit nahirapan magtagumpay? Sa video na ito, inimbitahan sina Family Medicine Doctor Lee Tang-Yueh at Chinese Medicine Doctor Huang Huai-Ru para magpaliwanag sa pangkalahatang panganib ng paninigarilyo, sirain ang mga maling pag-aakala sa vape, at magbahagi ng mga inumin sa Chinese medicine, acupressure at mga teknik sa pagkain upang may bisang labanan ang mga sintomas ng pagtigil sa paninigarilyo. Tumawag sa walang bayad na hotline 0800-636363 upang tulungan kang magtagumpay na itigil ang paninigarilyo para sa kalusugan at kabutihan ng iyong sarili at ng iyong pamilya. https://www.youtube.com/watch?v=knEdVXE8ljc
2025-10-15

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
