Nitong ilang nakaraang taon, patuloy na dumarami ang bilang ng mga kababaihang sumasali sa Marula Festival, nagsasaad ng patuloy na pagdiriwang nitong pista sa pangkasalukuyang lipunan. Ang Marula Festival ay malaking tradisyonal na kaganapan at ipinagdiriwang bawat taon. Isa ito sa tatlong tradisyonal na pagdiriwang sa Eswatini. Sa araw ng mismong pista, isinasaad ng mga kababaihan ang paggalang sa hari at reyna sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw.
Ang Eswatini ay matatagpuan sa bahaging timog silangan ng Africa. Isa siya sa mga bansang may diplomasya sa Taiwan at may populasyon na 1.1 milyon. Ang Marula Festival ay ipinagdiriwang ng mga babaeng may asawa na. Kadalasang ginaganap ito tuwing Pebrero o Marso, panahong humihinog ang prutas ng marula. Ang Marula Festival ay pagdiriwang ng masaganang pag-aani at pagpapahayag ng paggalang sa pamilya ng Hari.


![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
