Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/63373/9113615/6d0f1a92-ec9f-4665-8319-37a1416c5283.jpg

Isa sa pinakamahalagang pagdiriwang ng Venice tuwing taglamig sa bawat taon ang Carnival sa Venice na tinatawag rin na Masskara Festival sa Venice, kabilang sa Rio de Janeiro Carnival sa Brazil, Nice Carnival sa Pransya na tinatawag na tatlong malaking pagdiriwang ng carnival sa mundo. Ang Carnival sa Venice sa wikang Italyano ay Carnavale, tumutukoy sa masayang pagdiriwang bago mag-Kuwaresma. Sa ika-11 siglo, nanalo ang Venice sa digmaan laban sa kalapit nitong bansang Ulrico at ipinagdiriwang ng madla ang pagtagumpay sa magkakasunod na ilang araw. Nang maglaon, lalong naging makapangyarihan ang Venice at pagdating sa ika-13 siglo, itinakda ang matagal nang ginaganap na pagdiriwang ayon sa kalendaryo sa relihiyon, at ginaganap ang Carnival bago dumating ang apat na linggong pag-aayuno (fasting) sa Pista ng Pagkabuhay bawat taon. Ipinagdiriwang ang Carnival nang 10-12 araw. Batay sa kalendaryo ng relihiyong Katoliko, ipinagdiriwang ang Pista ng Pagkabuhay sa Marso o Abril bawat taon. Bilang pagtatanda sa pagkamatay ni Hesus, ang 40 araw bago Pista ng Pagkabuhay ay tinatawag na panahon ng Kuwaresma o Lent. Ipinagbabawal ang pagkain ng karne at pag-inom ng alak sa panahong ito kaya ipinagdiriwang ang Carnival at nagsasaya muna ng ilang araw ang mga tao bago mag-Kuwaresma.


Nagsimulang magkaroon ng maskara sa may ika-13 siglo. Dahil naging maunlad ang Venice, lumaki rin ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at ng pangkaraniwang tao. Sa panahon ng Carnival, nagsusuot ang mga tao ng maskara at kanilang magagandang kasuotan, magkasamang nagsasaya at nagdiriwang nang walang pag-iiba sa katayuan. Sa selebrasyong ito, may gamit na maskarang pantakip sa mukha, magkakapantay ang lahat ng taong naririto. Walang pag-iiba sa katayuan o pagkilanlan, pansamantalang inaalis ang totoong pagkilanlan, tinatanggal ang pagkakaiba sa lipunan, maging mayaman man o mahirap, maaaring magkakasamang magsaya nang walang pag-aalinlangan dito.