Kapitolyo: Cairo – isa sa pinakamalaking lungsod sa Africa, tinatawag din na “City of a Thousand Minarets”. Wika: Arabic Salapi: Egyptian Pound Mahalagang ilog: Nile River – Ina ng buhay ng Egypt, nakatira ang 95% ng populasyon ng buong bansa sa magkabilang panig ng ilog. Katangian ng bansa 1. Mga himala sa sinaunang kabihasnan Mga pyramid sa Giza: Kasama ang sikat na pyramid ng Khufu at ang sphinx (istatwang may katawan ng lion at ulo ng tao), mga istrakturang kabilang sa “7 Wonders of the Ancient World” na naririyan hanggang sa ngayon. Luxor: Tinawag na “Pinakamalaking Museo” sa mundo, kasama ang Karnak Temple Complex at ang Valley of the Kings kung saan nakaburol ang Pharoah. Abu Simbel Temples: Itinayo ni Ramses II, namamangha ang mundo sa malalaking estatwang bato at ang palabas na “Sun Festival” na ginaganap dalawang beses sa isang taon. 2. Paglalayag sa Nile River at Libangan sa Red Sea Pagsakay ng bangka sa Nile River: Ang paglalayag sa pagitan ng Asvin at Luxor, isang tradisyonal na paraan sa pagranas ng mabagal na kabuhayan ng Egypt. Snorkeling sa Red Sea: Maraming magagandang koral at malinis ang tubig-dagat sa Hurghada sa bahaging silangan at sa Sharm El Sheikh. 3. Ang Islam at Kultura ng Cairo Khan el-Khalili: Pamilihang may ilang daang taon na kasaysayan, dito makakabili ng mga pampalasang halaman, kagamitang tanso at mga kaakit-akit na artwork. Grand Egyptian Museum: Matatagpuan malapit sa mga pyramid, naglalaman ito ng hindi mabilang na pambansang kayamanan, kabilang ang gintong maskara ni Tutankhamun. Kultura sa Pagkain Malaki ang epekto ng Mediterranean Sea at gitnang silangan sa Koshary. Koshary: Pagkain ng lahat ng mamamayan sa Egypt. May macaroni, bigas, beans at may halong espesyal na gawang katas ng kamatis. Ful Medames (Aish Baladi): Basic pagkain ng mga taga-Egypt, kinakain na may kasamang fava beans.
Matatagpuan sa hilagang silangan ng Africa, ang Egypt ay isang duyan ng kabihasnan ng tao. Ipinagmamalaki nito ang kanyang dakilang kasaysayan na mahigit sa limang libong taon. Iisa itong bansang matatagpuan sa Africa at Asia (dugtong ng Sinai Peninsula). Para sa mga manlalakbay, ang Egypt ay parang isang malawak at malaking museo.

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
