Ano ang mga kaugnay na hakbang sa Lungsod ng Taipei kapag may kalagayang pumutok ang bulkan?
1. Dahil sa pagkumpirma ng mga iskolar na aktibo ang “Grupong Bulkan ng Datun”at may magma sa ilalim nito, ipinahanda ng Fire Department sa National Taiwan University ang planong “Pananaliksik sa Pag-iwas at Pagtugon sa Sakunang Pagsabog ng Bulkan sa Lungsod ng Taipei” sa taon 2012. Sakop nito ang “Talaan ng Pag-uuri sa Signal ng Babala sa Bulkan”, “Operasyong Paglisan sa Sakunang Pagsabog ng Bulkan”at iba pang pang-emerhensyang hakbang. 2. Inimbitahan ng Fire Department ang Central Executive Yuan Disaster Prevention and Response Council, National Fire Agency, National Science and Technology Center for Disaster Reduction (NCDR), Central Weather Bureau, Geological Survey of the Ministry of Economic Affairs, Direktor Lin Zheng-Hong ng Datun Volcano Observatory at iba pang kaugnay sa opisina noong Setyembre 4, 2017 upang italakay ang mga pang-emerhensyang hakbang sa sakunang pagsabog ng bulkan. 3. Naipasa matapos ang tatlong pagbabasa sa Legislative Yuan noong Nobyembre 7, 2017, isinama ang pinsala sa bulkan sa natural na kalamidad sa Disaster Prevention and Protection Act, at ang Ministri ng Interior ang may kakayahang awtoridad. Isinulat ng Fire Department ang “Contingency Plan sa Pinsalang Bulkan ng Datun”. 2018, isinagawa ang kaugnay na drills at pagsasanay sa pinsala ng bulkan at inimbitahang sumali sa pagsasanay ang mga kaugnayang opisina upang masuri ang pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bulkan, paglikas at mga hakbang sa pansamantalang pagtira. Regular na ina-update ang mga kaugnay na impormasyon bawat taon. 4. Batay sa karanasan sa ibang bansa at itinuro ng pananaliksik, may panahon ng paghihintay sa aktibidad ng bulkan at humahaba ang panahon upang makapaghanda. Sumusunod ang mga hakbang ng pamahalaan sa emerhensyang pinsala ng bulkan: (1) Kapag may pangyayaring pinsala dahil sa bulkan, magrereport ang Fire Department sa mayor ng lungsod ukol sa pinsala, kasalukuyang kalagayan at pangangailangang pagligtas nang ayon sa “Contingency Plan sa Pinsalang Bulkan ng Datun”at magtataguyod ng Disaster Response Center upang makipag-ugnayan sa iba't ibang mapagkukunan ng tulong sa kalamidad. (2) Gagawa ng anunsyo ang pamahalaan upang itakda ang mga control area, higpitan o ipagbawal ang pagpasok o pagdaan ng mga tao at sasakyan, mabilis na gagawa ng tamang emergency warning at control operations, ilikas ang mga residente depende sa sitwasyon ng sakuna, gabayan sila sa ligtas na shelter at gumamit ng iba't ibang mga hakbang at tulong sa maayos na pagpapatira sa mga residenteng nasalanta ng kalamidad at matiyak ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan. (3) Kapag masyadong malaki ang sakuna at hindi kayang tumugon ang pamahalaan, maaaring mag-apply ang Disaster Response Center ng lungsod para sa suporta at tulong mula sa sentral na pamahalaan at sa iba pang mga county, lungsod, o sa hukbong militar ng bansa. Alinsunod sa mga nauugnay na regulasyon, maaaring ipatupad ang evacuation at resettlement sa mga county at lungsod kung kinakailangan. (4) Patuloy na pag-aayos sa polusyon ng hangin na dulot ng abo ng bulkan, isuspinde ang pagpasok sa trabaho at paaralan, magtakda ng mga pamantayan sa pag-takeoff at paglapag ng sasakyang panghimpapawid, pagbutihin ang kalidad ng tubig at mekanismo ng pagbigay ng tubig, pahusayin ang mga hakbang na nakakaapekto sa kalusugan, at alisin ang mga putik at dumi. (5) Sa panahon ng pagbalik sa normal na kalagayan makaraan ang kalamidad, isaayos ang mekanismo sa matagalang pagsukob at subsidiya sa mga biktima. 5. Isinagawa ng Fire Department ang edukasyonal na pag-aaral at pagsasanay sa 07/26/2020, 11/04/2021, 09/07-08/2022 at 09/12/2023. Kasama sa mga sumali ang mga pinuno at opisyales sa village at neighbourhood sa distritong Shilin at Beitou, mga taong tumutulong tuwing sakuna, mga pulis at bomber, mga taong nauugnay sa paaralan, kindergarten, pagamutan, nursing homes, mga institusyon sa matatanda at mga taong may kapansanan. Itutuloy ang paggawa ng pagsasanay bawat taon. 6. Isinasagawa ng Fire Department at Datun Volcano Observatory ang “119 Promosyon sa Pag-iwas sa Sakuna” at “Edukasyonal Aktibidad sa Pag-iwas sa Sakuna sa Araw ng National Disaster Preparedness”bawat taon. Nagtatayo ng mga puwesto, gumagamit ng paraang masigla at madaling maintindihan upang ipalaganap ang epekto ng sakuna sa bulkan sa publiko. Pinagmulan ng Impormasyon: Fire Department sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
