Sa pag-aaral ngayon, ipinakilala sa mga bagong imigrante ang mga tanging lokal na industriya at hinikayat na makilahok sa pagtaguyod ng komunidad at pagtitipid sa enerhiya at pagbawas ng carbon. Dalawang aktibidad ang isinagawa ng Opisina ng Distrito ng Datong. Sa pangunguna ng tindahang ‘Art Lease’, naranasan ng mga kalahok ang paggawa ng diffuser at essential oil at sa ‘Bear Mama’, gawaing kamay na pagtatali ng mga beads. Sa pamamagitan ng aktuwal na paggawa at pakikipag-ugnayan, nagbigay ng tulong sa mga bagong imigrante na unawain ang magkakaibang kultura at katangian ng lokal na industriya.






![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
