Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/61640/8924940/94a02a50-290c-400c-9add-ed04baa79720.jpg

    Ang Carnaval do Rio de Janeiro ay pistang napakasaya at ginaganap sa Rio de Janeiro, Brazil bawat taon bago mag-Lent. Pinakamalaking pista sa buong mundo ang Carnival sa Rio. Umaabot sa 2 milyong taong nasa kalsada bawat araw. Taon 1723 ginanap ang unang Carnaval sa Rio de Janeiro. Sa panahon ng pagdiriwang, kalahok ang maraming sumasayaw ng samba at may parada ng mga sasakyan na may palamuting bulaklak.


    Nagsimula ang carnaval mula sa seremonyang pasasalamat sa karne sa Europe, pinakahuling pagdiriwang ng alak at karne bago pag-aayuno (fasting) sa mga Katoliko. Hinihikayat ang mga taong lumakbay at mamasyal, sumayaw at mag-inuman ngunit kalaunan, unti-unting naging panahon ng pagsasaad ng mga damdamin ng mga itim na alipin at paglalaban sa hindi makatarungan. Nang mapalaya ang mga alipin sa taon 1888, ang pag-aawit at pagsasayaw upang maipahayag ang kawalan ng kasiyahan ay napalitan ng kalayaan at kagalakan sa pagdiriwang ng carnaval.


     Ang Carnaval para sa mga tao ng Brazil, ay may kakaibang kahulugan na “pantay-pantay ang tao”. Sa araw na ito, binibitawan ng mga tao ang kanilang pagkilanlan, naggagayahan ng hitsura ng isa’t isa. Sinuman ay may karapatan na magbihis bilang prinsipe’t prinsesa. Itinatabi ang lahat ng panlipunang tungkulin at nagpapakasaya nang husto sa araw na ito. Hanggang sa kasalukuyan, nananatili ang kakaibang kahulugan ng Carnaval. Kasabay sa pagbabago ng panahon, may mga nagtatanghal at isinasara ang kalsada, mga aktibidad na panggabi. May pagtatanghal mula sa binuong grupo ng mga mananayaw mula sa 12 paaralang samba sa Rio at naririto ang atensyon ng buong mundo. May paligsahan sa mga mananayaw at ang float parade na isinagawa ng grupong champion ay magdadala ng pinakamahusay na pagtatapos sa buong karnabal.