Hu Chieh-Ming - Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor
110年度國中教育會考已於110年5月15至16日考完,家長與孩子在討論要念高中、高職或五專的時候,各項升學報名期限要注意,在此列舉5項升學管道:
Natapos ang Edukasyonal Eksamen sa Junior High School para sa taong 2021 noong Mayo 15-16. Habang tinatalakay ng magulang at anak ang pag-aaral sa pangkaraniwang senior high school, bokasyonal o junior college, huwag kaligtaan ang deadline sa pagrehistro sa bawat uri ng patuloy na pag-aaral. Nasasailalim ang 5 uri ng paraan sa pagpapatuloy sa pag-aaral:
1. Lungsod ng Taipei prayoridad sa pagpasok nang walang eksamen (Kategorya 1): 5/17-5/18 isulat nang mabuti ang rehistrasyon form at ipasa sa paaralan, 5/24 anunsyo ng resulta, 5/25 rehistrasyon sa aktwal na lugar, bunutan sa publiko, resulta at magreport sa paaralan.
2. Lungsod ng Taipei prayoridad sa pagpasok nang walang eksamen (Kategorya 2): 6/1-6/7 pumili, punan at magparehistro, 6/11 anunsyo ng pangalan ayon sa pagkasunud-sunod, 6/15 rehistrasyon sa aktwal na lugar, resulta at magreport sa paaralan.
3. Buong bansa prayoridad sa pagpasok sa junior college nang walang eksamen: Isulat nang mabuti ang rehistrasyon form at ipasa sa paaralan kasama ang sertipiko ng puntos, 6/3-6/8 pumili, isulat at iparehistro ang pangalan ng paaralan na nais pasukan (kusang gawin sa online), ipasa ang talaan ng pangalan ng paaralan na nais pasukan sa paaralan upang masuri, 6/10 anunsyo ng resulta sa online, 6/15 pagreport ng mag-aaral sa paaralan.
4. Junior college sa Distritong Hilaga pagpasok nang walang eksamen: 6/23 magsulat ng rehistrasyon form sa nais na paaralan (limitadong magsulat ng isang junior college lamang). Kapag pumasa, magpapadala ang junior college ng abiso ng rehistrasyon sa aktwal na lugar sa 7/2, 7/7 pagreport ng mag-aaral sa rehistrasyon sa junior college.
5. Senior high school at senior vocational sa Distritong Hilaga at Keelung pagpasok nang walang eksamen: 6/17-6/24 pormal na pagpili at pagsulat ng pangalan ng paaralan na nais pasukan, 6/25 pormal na pagbigay ng rehistrasyon form sa paaralan, 7/6 pagbubunyag ng resulta, 7/8 umaga pagreport ng mag-aaral sa paaralan.
Dapat itanong nang mabuti ng mga magulang at anak sa Registrar ng paaralan ang araw ng pagpasa ng rehistrasyon form. Maging maingat sa pagsusulat ng rehistrasyon form at sa pagpili ng pagkasunud-sunod ng nais pasukan na paaralan upang magtagumpay at makapasok sa ninanais na paaralan. Bigyan din ng pansin ang pagbabago sa mga petsa sa bawat kategorya dahil sa epekto ng epidemya ngayong taon.
Mananaig ang wastong petsa ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa bawat kategorya ayon sa paliwanag o maaaring tingnan sa http://12basic.tp.edu.tw