Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Madaming Paraan ng Pagpapatuloy ng Pag-aaral: Art Talent Class (Unang Bahagi)

Taga-ulat:  Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor Hu Chieh-Ming
 
Bukod sa pangkaraniwang paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa sistemang edukasyon ng Taiwan, maaari ring pumasok sa pag-aaral sa senior high school at kolehiyo sa pamamagitan ng kakayahan sa sining o sa sports. Unahin ang pagpapakilala sa art talent class, kasama rito ang art, musika, sayaw at drama, magbibigay ng propesyonal na pagtuturo, paglilinang at magbibigay ng paggabay sa pagsulong ng mag-aaral.
 
Paraan ng pagpasok sa Art Talent Class sa paaralang elementarya, junior at senior high school sa Lungsod ng Taipei:
1. Paaralang Elementarya:
(1) Art Class: Minzu Elementary School, Jian An Elementary School, Dong Yuan Elementary School
(2) Klase sa Musika: DunHua Elementary School, Guting Elementary School, Fu Xing Elementary School
(3) Klase sa Sayaw: Dongmen Elementary School, Yongle Elementary School
(4) Paraan ng pagpasok: Mga mag-aaral na nakarehistro sa Lungsod ng Taipei at kasalukuyang nag-aaral sa Baytang 2, 3, 4, 5 ng paaralang elementarya, maaaring sumali sa joint enrollment ng art talent class sa elementarya na isinasagawa sa buwan ng Marso hanggang Hunyo sa bawat taon.
 
2. Junior high school:
(1) Art Class: Jinhua Junior High School, Wuchang Junior High School, Guting Junior High School, BaiLing High School
(2) Klase sa Musika: Renai Junior High School, Nanmen Junior High School, NTNU Junior High Division, Jian Cheng Junior High School
(3) Klase sa Sayaw: Beian Junior High School, Shuang Yuan Junior High School
(4) Paraan ng pagpasok: Mga mag-aaral na nakarehistro sa Lungsod ng Taipei at magtatapos ng ika-anim na baytang sa paaralang elementarya, maaaring sumali sa joint enrollment ng junior high school art talent class na isinasagawa sa buwan ng Marso hanggang Hunyo sa bawat taon.
 
3. Senior high school:
(1) Art class: High School Normal University, Minglun High School, Fuxing High School, Zhong Zheng Senior High School, Taibei Senior High School
(2) Klase sa Musika: High School Normal University, Fuxing High School, Zhong Zheng Senior High School
(3) Klase sa Sayaw: Fuxing High School, Zhong Zheng Senior High School
(4) Klase sa Drama: Fuxing High School
(5) Paraan ng pagpasok: Mga mag-aaral na magtatapos sa junior high school, maaaring sumali sa pagpipili para sa pagtanggap sa kakaibang art talent class ng mga senior high schools sa bahaging hilaga ng Taiwan na isinasagawa sa buwan ng Pebrero hanggang Hulyo sa bawat taon.
 
Para sa mga mag-aaral sa art talent class sa senior high school, may mga paraan na pagpipili sa espesyal na talento, rekomendasyon sa paaralan, pag-aplay sa paaralan, pagrehistro at pagtatalaga upang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ipinapakilala sa ibaba ayon sa pagkasunod-sunod ng panahon: Mauuna ang ‘pagpipili sa espesyal na talento’sa Oktubre hanggang Disyembre sa unang semestro ng Grade 12. Sa sitwasyong hindi pa nakakapag-eksamen sa General Scholastic Ability Test (GSAT), gagamitin ang marka ng mag-aaral sa paaralan, mga sariling gawang proyekto at marka sa paligsahan sa aplikasyon ng pagsusuri sa gustong pasukan na paaralan. Kapag nakapasa sa pagsusuri, gagawin ang pag-interbyu. Matapos makapag-eksamen sa GSAT sa katapusan ng Enero sa susunod na taon, ang kwalipikadong mag-aaral ay maaari nang maghanda para sa isinasagawang ‘rekomendasyon sa paaralan’sa kalagitnaan ng Marso sa pangalawang semestro ng Grade 12 at mag-apply sa ninanais na kurso sa sining. 
 
Sa buwan ng Abril ang unang bahagi ng pag-apply sa ‘pag-apply sa paaralan’, isubmite ang listahan ng ninanais na kurso (pinakamadami ang 6). Makaraan ang pagpili ng kurso ayon sa marka sa eksamen, maaari nang maghanda para sa pangalawang bahagi ng screening sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo. Ang paraang pagrehistro at pagtatalaga ay ginagawa sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo. Dapat gamitin nang mabuti ng mag-aaral sa senior high school ang bawat paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral at piliin ang sariling nais na mapasukang paaralan.