Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Madaming Uri ng Pagpasok sa Klase ng Pisikal Edukasyon

Pagpapakilala sa Katangian ng Klase ng Pisikal Edukasyon sa Senior High School sa Lungsod ng Taipei

Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor Hu Chieh-Ming

May 22 paaralan (18 senior high at 4 senior vocational) na may senior high school klase sa pisikal edukasyon sa Lungsod ng Taipei. Ang mga uri ng sports na pinapaunlad sa klase sa pisikal edukasyon ay batay sa mga uri ng palarong kasama sa paligsahan sa Olympic Games, Asian Games, Palaro ng mga Unibersidad sa buong mundo at mga palaro ng mga mag-aaral na itinataguyod ng Sentral Awtoridad. Isinasagawa ng bawat paaralan ang pag-recruit ng mag-aaral sa buwan ng Mayo sa bawat taon. Maaaring magparehistro ang mag-aaral na gradweyt sa junior high school. Matapos makapag-eksamen at makapasang pumasok sa klase sa pisikal edukasyon, may 8-10 period ng propesyonal na pagsasanay sa bawat linggo sa buong semestro. Dapat sumali sa propesyonal na pagsasanay o pagsasanay sa ibang lugar tuwing winter at summer bakasyon sa paaralan. May mga mahalagang paligsahan bawat taon, tulad ng mga palaro sa buong bansa, pagwawagi ng Educational Trophy at iba pang mga championships at malaki ang maitutulong ng pagkuha ng magandang marka sa mga paligsahan upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa unibersidad. 
以下簡介本市陽明高中、中正高中體育班為例:
Sumusunod ang pagpapakilala sa klase sa pisikal edukasyon ng Taipei Municipal Yangming High School at Taipei Municipal Zhong Zheng Senior High School:
1.陽明高中
陽明高中位於臺北市士林區,體育班有網球、女籃、棒球、田徑、舉重等項目。網球隊成軍多年,積極地和鄰近小學拓展,提供學生扎實的基礎訓練及完善的運動環境,迄今培訓出許多優秀選手,並且在全中運及各大賽事中多次獲得優秀成績。女籃在李台英教練長期指導,在109學年度HBL籃球聯賽女子組中榮獲季軍。棒球隊平日在百齡橋下的棒球場訓練球技,在本屆富邦盃以單一球隊代表北市拿下季軍。田徑隊與舉重隊成員在全國中等運動會亦屢創佳績。
1. Yangming Senior High School
Matatagpuan ang Yangming High School sa Distrito ng Shilin sa Lungsod ng Taipei. May mga larong tennis, basketbol na pambabae, baseball, track and field at weightlifting sa klase sa pisikal edukasyon. Madaming taon nang naitaguyod ang tennis team, aktibong nakikipag-ugnayan sa mga kalapit na paaralang elementarya upang mabigyan ang mga mag-aaral ng matatag na basic pagsasanay at maayos na kapaligiran sa palakasan. Mula noon hanggang ngayon, madami nang naisanay na mga mahuhusay na manlalaro at maraming beses nang nagkamit ng magagandang marka sa National Middle School Athletic Games at sa iba pang paligsahan. Nagwagi ng pangatlong ngalan ang babaeng basketbol team sa 2020 paligsahan sa HBL (High School Basketball League) sa matagalang paggabay ni Coach Lee Tai-Ying. Pangkaraniwang nagsasanay sa paglalaro ang baseball team sa ilalim ng Bailing Tulay at kumatawan sa Lungsod ng Taipei sa palaro ng Fubon Cup ngayon at nagwagi ng pangatlong ngalan. May magagandang marka rin ang mga manlalaro sa track and field team at sa weightlifting sa National Middle School Athletic Games.
2.中正高中
中正高中體育班有田徑、擊劍、武術、足球、舉重五個項目,體育班師資具有國家級專業運動教練資格,其中擊劍、武術教練曾擔任2017臺北世界大學生運動會、2018年亞洲運動會指導教練,選手獲獎無數,為臺北市優秀運動選手培育的搖籃,也是國家代表隊選手的培訓基地。中正高中擁有專業的硬體設備及訓練環境,如國際二級田徑場、全國賽事標準足球場、擊劍、武術、舉重等專業訓練場地。
2. Zhong Zheng Senior High School
May 5 klaseng laro sa pisikal edukasyon sa Zhong Zheng Senior High School – track and field, fencing, martial arts, football at weightlifting. May mga kwalipikasyong nasyonal propesyonal na coach sa palakasan ang mga guro sa klase. Kabilang dito ang mga coach sa fencing at sa martial arts na naglingkod bilang guidance coach sa 2017 Taipei Universiade at sa 2018 Assian Games. Hindi mabilang ang beses ng pagwagi ng mga manlalaro. Dito nagsisimula ang pag-training sa mga mahuhusay na manlalaro sa Lungsod ng Taipei at dito rin ang training ground ng mga manlalarong kumakatawan sa bansa. May propesyonal na kagamitan at kapaligiran sa pagsasanay ang Zhong Zheng Senior High School, tulad ng International Level 2 track field, standard na football field sa buong bansa at mga propesyonal pagsasanay na lugar sa fencing, martial arts at weightlifting.
臺北市110學年度高級中等以下學校體育班與重點運動項目之運動總類核定表
2021 Talaan ng mga Klase sa Pisikal Edukasyon sa mga Paaralan sa Lungsod ng Taipei at Kategorya ng Laro
https://www.doe.gov.taipei/News_Content.aspx?n=9DC4B17142EA9496&sms=69B4E6B26379EE4E&s=2CD24A422DAAB7D9