Ulat: Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor / Hu Chieh-Ming
Natapos na ang Edukasyonal Eksamen sa Junior High School para sa taon 2021. Kung nais ng mag-aaral na ipagpatuloy ang pag-aaral sa senior vocational o sa junior college, dapat munang kilalanin ang pagkakaiba ng dalawang ito. Kapag iniisip ng mga magulang itong dalawang uri ng pagpapatuloy sa pag-aaral, dapat ring isipin ang nais aralin ng anak at ang kinabukasan nito upang makagawa ng pinakamaayos na pagpipili!
1. Senior vocational sa Lungsod ng Taipei (technical high school):
Ang pag-aaral sa senior vocational ay maaaring ibahagi sa grupo ng makinarya, power generating makinarya, chemistry, business and management, electrical and electronics, disenyo, agrikultura, civil engineering at konstruksyon, sining, catering, maritime, home economics, mga produkto sa tubig, pagkain, dayuhang wika, 15 kurso at 92 asignatura. Pagkatapos ng pag-aaral dito nang 3 taon, maaaring ituloy ang pag-aaral sa unibersidad ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng magkakaibang paraan, o maaaring mag-eksamen sa pangkaraniwang kolehiyo.
8 pampublikong senior vocational sa Lungsod ng Taipei: Songshan Senior Vocational, Songshan High School of Agriculture and Industry, Daan Vocational, Muzha Vocational, Nangang Senior High, National Taiwan College of Performing Arts (Senior Vocational), Neihu Senior High at Shilin High School of Commerce
10 pribadong paaralan: Hujiang High School, Kingston Private School, Dongfang High School of Industry and Commerce, George Vocational, Kai-Nan High School, Daojiang Nursing School, Daojiang Senior Vocational, Hwa Kang Arts School, Dunxu High School of Industry and Commerce, Kai Ping Culinary School.
2. 5 Taon Junior College sa Distritong Norte (kasama ang mga paaralan sa Lungsod ng Taipei, New Taipei at Keelung):
Ang pinakamalaking kaibahan ng 5-taon junior college at senior vocational ay ang pagkakaroon ng kursong nursing at industrial management sa 5-taon junior college. May natatanging kaibahan sa disenyo ng pag-aaral sa 5 taon. Bukod sa pangkaraniwang diskusyon sa pag-aaral, binibigyan ng halaga ang pagsasanay, pagsusubok, aktuwal na paggawa at kakaibang paksa. Kapag natapos ang 5 taon na pag-aaral dito, maaaring mag-eksamen sa 2-skills paaralan o sa unibersidad at madaming uri ng pagpapatuloy ng pag-aaral. Flexible ang pag-aaral sa 5-taon junior college at maagang nararanasan ang pagtrabaho, kaunti ang stress at mas maraming short-cut sa karagdagang pag-aaral.
2 pampublikong 5-taon junior college sa Distritong Norte: National Taipei University of Business at National Taipei University of Technology
12 pribadong 5-taon junior college sa Distritong Norte: St. John’s University, Taipei City University of Science and Technology, Hsing Wu University, Hwa Hsia University of Technology, Chihlee University of Technology, Hungkuo Delin University of Technology, Lee-Ming Institute of Technology, Ching Kuo Institute of Management and Health, Taipei University of Marine Technology, Mackay Junior College of Medicine, Nursing and Management, Cardinal Tien Junior College of Healthcare and Management, University of Kang Ning (Taipei Campus)
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang:
Ukol sa patuloy na pag-aaral ng mga Junior High School Graduate Mag-aaral sa Taon 2021
Mga tanong tungkol sa 5 Taon Junior College Taon 2021 - Technical College Admissions Strategy Committee