Ngayong taon (schoolyear 2021), gaganapin ang eksamen ng mga mag-aaral sa junior high school sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo. Kasama sa sakop ng eksamen ang Araling Panlipunan, Matematika, Wika, Agham at Ingles, at mayroon pang eksamen sa panitikan at kakayahang pakikinig sa wikang Ingles. Para sa karamihan ng mga mag-aaral sa ika-9 na baytang, maaaring ito ang unang beses nilang humarap sa eksamen na pangkalahatan sa buong bansa. Matapos i-anunsyo ang resulta ng eksamen sa Hunyo, dapat alamin ang paraan ng pagpasok sa pag-aaral sa senior high school at petsa ng pagrehistro. Isa itong pagpapasya sa direksyon ng pag-aaral sa darating na araw. Paano makakatulong ang magulang sa anak sa ganitong panahon ng pagharap sa stress?
Sa kasalukuyan, may maraming paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral mula sa junior high school tulad ng: pagpasok nang walang eksamen, pagtawag sa mag-aaral na may kakaibang kakayahan at pagpasok nang walang eksamen sa 5-taon junior college. Bukod sa pangkalahatang edukasyon eksamen, ang tinutukoy ng pagpasok sa paaralan nang walang eksamen ay wala nang ibang entrance eksamen. Iaayon sa pagkasunud-sunod ng nais na mapasukang paaralan, marka sa pag-aaral at marka sa eksamen upang magpasya ang mag-aaral kung gagamitin ang prayoridad na makapasok sa paaralan nang walang eksamen o makapasok sa paaralan nang ayon sa lugar ng tirahan at walang eksamen. Sakop sa mag-aaral na may kakaibang kakayahan ang mga nag-aral ng special skills (bokasyonal), agham, sining at pangkalakasan ng katawan, at maaaring mapili o tingnan ang markang nakuha sa eksamen upang makapasok sa paaralan. Sang-ayon sa marka sa pangkalahatang eksamen ang pagpasok sa 5-taon junior college, at maaaring piliin sa may prayoridad o sa magkakasamang exemption sa eksamen.
Subalit may maraming paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral, mahalaga na dapat isipin ng bata ang sariling hilig at nais sa pag-aaral upang makagawa ng pinakamabuting desisyon. Sa kalagitnaan nito, mahalaga ang papel ng magulang. Sasamahan ng magulang ang anak sa pagraos sa kabang mararanasan sa panahon ng eksamen at alamin ang katangian ng anak, kakayahan at hilig sa pamamagitan ng report card, mga pagsusubok sa hilig at interes at iba pang impormasyon mula sa career counseling handbook sa paaralan. Kilalanin ang pagkakaiba ng kakayahan sa akademiko at sa trabaho at saka hatulan kung aling paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral ang nababagay sa kanila.
Paalala sa mga magulang, panatiliing bukas ang isip at damdamin at samahan ang anak sa paghahanap ng kinabukasan. Piliin ang ninanais at mahalin ang napili. May natatanging pag-unlad sa bawat propesyon at kurso at may nangunguna sa bawat propesyon. Ang pagkakaroon ng wasto, positibo, malusog na isip at katawan ng anak ay mas mahalaga at panghabang-buhay.
Sanggunian:
https://reurl.cc/E2Wgo0