Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pagpapakilala sa Unibersidad: Regular Unibersidad

May-akda: Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor / Hu Chieh-Ming

Ang mas mataas na pag-aaral sa Taiwan ay pangunahing mababahagi sa regular kolehiyo o unibersidad at unibersidad sa agham at teknolohiya. Ang layunin ng unibersidad sa agham at teknolohiya ay maglinang ng mga taong may talento sa edukasyong teknolohiya at okupasyon samantalang nakatuon ang regular unibersidad sa paglinang ng talento sa pananaliksik sa akademiko. Kadalasan, may mga sumusunod na deparmento sa unibersidad: College of Liberal Arts (malayang sining), College of Arts (sining), College sa Medisina, College in Mass Communication, College sa Edukasyon, College sa Agham at Teknolohiya, College sa Dayuhang Wika, College sa Pamamahala (management), law school, College of Social Sciences. Maaaring tingnan ang magkakaibang katangian ng bawat paaralan at unibersidad sa website ng unibersidad.

Ang mahalagang dapat bigyan ng pansin, inihayag ng Ministro ng Edukasyon ang "Programang Pagsasanay sa Dalawang Wika ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo" upang maitaguyod ang Taiwan bilang isang bansang bilingual sa taong 2030, may pananaw na gamitin ang wikang Ingles sa pagtuturo upang patibayin ang kakayahan ng mag-aaral sa Ingles (English as a Medium of Instruction,EMI). May dalawang pangunahing bahagi na ipapalaganap: "Programang paglilinang sa key points" (mababahagi sa dalawang uri: paaralan o kolehiyo) at "Programang pagpapalaganap at pagpapahusay".

Ang mga apat na paaralan sa paglilinang sa key points ay National Sun Yat-sen University, National Cheng Kung University, National Taiwan University at National Taiwan Normal University. Kabilang sa kolehiyo sa paglilinang sa key points ang National Taiwan University of Science and Technology, National Tsing Hua University, may 25 paaralan at 41 na deparmento (college). Ayon sa plano, aabot sa higit sa CEFR B2 ang kakayahan sa pakikinig, pananalita, pagbabasa at pagsusulat ng hindi bababa sa 50% ng mag-aaral sa pangalawang taon ng kolehiyo sa taon 2030. Kasabay nito, may kalahati at higit pang asignaturang inaaral ng hindi bababa sa 50% ng mag-aaral sa pangalawang taon ng kolehiyo at graduate school ay ituturo sa wikang Ingles. Itinutulak din ang pagkilala sa English as a Medium of Instruction (EMI) sa katibayan sa pagtatapos ng pag-aaral upang maging sang-ayon sa internasyonalismo at sa industriya.

Ang programang pagpapalaganap at pagpapahusay ay nagkamit ng pagtulong sa 37 paaralan. Kasama rito ang 24 unibersidad at kolehiyo, at 13 unibersidad sa agham at teknolohiya. Nasa plano na pangkalahatang paggamit ng wikang Ingles ang gamit sa pagturo sa mahigit 80% ng asignaturang Ingles sa hindi bababa sa 40 kolehiyo sa taon 2030. May 10% o higit pang mag-aaral sa pangalawang taon ng kolehiyo at graduate school, ay may pipiliing 2 o higit pang asignaturang ituturo sa wikang Ingles.
Kaya't  sa darating na panahon, bukod sa aaralin ang sariling ginustong propesyon o karera, isa rin sa pag-aaralan sa kolehiyo ang wikang Ingles!