Ang Pista ni San Patrick ay ang araw ng pagdiriwang ng bansa ng Ireland. Noong taon 432 AD, pinapunta si San Patrick sa Ireland upang ikalat ang Kristiyanismo. Ginamit ni San Patrick ang shamrock na may tatlong dahon upang ipaliwanag ang Ama, Anak at Santo Espiritu sa mga tao sa Ireland. Dahil sa ganito, maraming tao ang nagpabinyag at naging pambansang bulaklak ng Ireland ang shamrock. Nang yumao si San Patrick sa Marso 17, taon 461, itinakda itong “Pista ni San Patrick”. Ginagamit ng mga tao ang bulaklak ng shamrock sa pagpapalamuti sa sarili o nagsusuot ng kulay berde sa buong katawan upang ipagdiriwang ang araw na ito.
May masiglang parada sa bawat lugar at lungsod sa Ireland kundi na rin sa iba’t ibang lugar sa mundo kung saan naroroon man ang mga taong may pagmamahal sa Ireland tulad ng sa Estados Unidos, Australia, Canada at iba pa. Magdaraos ng malaking aktibidad na pagdiriwang, may parada, may suot at may mga palamuting berde ang kulay, may sombrerong berde at iba-iba pa. Sa araw na ito, mapapaaga ang pagbukas ng mga lugar ng inuman upang makapagdiriwang ang mga tao at may espesyal at limitadong berdeng beer sa araw na ito. Bawat taon, umaabot sa mahigit isang milyon ang taong sumasali sa parada ni San Patrick sa kapitolyo ng Ireland. Hindi lamang pangrelihiyong pista ang Araw ni San Patrick kundi isang pang-internasyonal na kaganapan at pagdiriwang ng kultura ng Ireland!