Ang Jordan (may buong pangalan na Hashemite Kingdom of Jordan) ay matatagpuan sa kanlurang Asya at nasa hilagang kanluran ng Arabian peninsula. Itinuturing itong “oasis ng kapayapaan” sa rehiyong Middle East. Bagama't nasa kalagitnaan ng isang magulong rehiyon sa pulitika, umaakit ito ng atensyon sa buong mundo dahil sa matatag na sitwasyong pulitika, maliwanag na monarkiya ng konstitusyon at malalim na pamana sa kasaysayan. Kapitolyo: Amman – isang lungsod sa ibabaw ng munting bundok, nagkakahalo ang sinauna at moderno. Wika: Arabic (opisyal), pangkaraniwang ginagamit rin ang Ingles. Salapi: Jordanian dinar (JOD) – mas mataas at matatag ang halaga ng palitan. Relihiyon: Islam (92% Sunni) at may 6% Kristiyano Heograpiya: Israel at Palestine sa kanluran, Syria sa hilaga, Iraq sa silangan, at Saudi Arabia sa timog. May maliit na bahaging Red Sea sa timog-kanluran (Aqaba Gulf). Katangian ng Bansa: 1. 7 Wonders of the World: Petra Ang lungsod na inukit ng mga Nabataean mula sa kulay rosas na bato mahigit 2000 taon nang nakalipas, landmark na kumakatawan sa Jordan. Paglusot sa makitid na The Siq, nakakamangha ang makikitang The Treasury. 2. Pinakamababang lugar sa mundo: Dead Sea May 430 metro sa ibaba ng sea elevation, ito ang pinakamababang lawa sa mundo. Dahil mataas ang kaasinan, magaan na lumulutang ang tao sa tubig. Natural na pampaganda rin ang putik (mud pack) dito. 3. Wadi Rum Tinatawag din na “Valley of the Moon”, ipinagmamalaki nitong pulang disyerto ang kahanga-hangang mga pormasyon ng bato at malalawak na buhanginan. Dito gumawa ng eksena ang mga pelikulang “Lawrence of Arabia”at“The Martian”. Dito nararanasan ng mga turista ang buhay sa tent ng mga taong Bedouin. 4. Labi ng Roman Empire: Jerash May tawag na “Pompeii ng Middle East”, isa ito sa pinakamahusay na napreserbang lungsod ng sinaunang Roma. Naririto ang dakilang Arc de Triomphe, ang Oval Plaza at ang open-air theater.
![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
