Paano mag-apply kung mag-aaral ang bagong imigrante sa paaralang elementarya sa Taiwan?
(1) Ang sistemang pag-aaral nang 6 na taon sa paaralang elementarya sa Taiwan ay para sa mga batang 6-12 taon gulang. Kapag lumampas sa edad na ito, kailangang mag-aral sa elementary night school. Walang limitasyon sa lugar ng paaralan na papasukan. Kapag nakatapos ng pag-aaral nang 3 taon at nakapasa sa pagsusulit, mabibigyan ng sertipiko ng pagtatapos sa pag-aaral at may katumbas na kwalipikasyon sa pagtatapos ng parehong baytang at uri ng paaralan. (2) May 16 na paaralang night school sa Lungsod ng Taipei. Nasa ibaba ang pangalan ng paaralan at kinaroroonang distrito. Kapag may tanong ukol sa pag-aaral, maaaring makipag-ugnay sa paaralan. 1. Distrito ng Songshan Paaralang Elementarya ng Xisong 2. Distrito ng Xinyi Paaralang Elementarya ng Shuangyong 3. Distrito ng Xinyi Paaralang Elementarya ng Wuxing 4. Distrito ng Daan Paaralang Elementarya ng Jian-an 5. Distrito ng Zhongshan Paaralang Elementarya ng Zhongshan 6. Distrito ng Zhongzheng Paaralang Elementarya ng Heti 7. Distrito ng Datong Paaralang Elementarya ng Yongle 8. Distrito ng Datong Paaralang Elementarya ng Dalong 9. Distrito ng Wanhua Paaralang Elementarya ng Shuangyuan 10. Distrito ng Wanhua Paaralang Elementarya ng Laosong 11. Distrito ng Wenshan Paaralang Elementarya ng Muzha 12. Distrito ng Nangang Paaralang Elementarya ng Nangang 13. Distrito ng Neihu Paaralang Elementarya ng Neihu 14. Distrito ng Shilin Paaralang Elementarya ng Shidong 15. Distrito ng Shilin Paaralang Elementarya ng Shezi 16. Distrito ng Beitou Paaralang Elementarya ng Beitou (Telepono: 02-2725-6373 o 1999 ext.6373) Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
