Dahil nakipagdiborsyo at may kahirapan sa pananalapi, mayroon bang subsidiyang tulong sa tanghalian ng anak ng bagong imigrante sa paaralan?
Upang maalagaan ang nutrisyon at kalusugan ng mga mag-aaral, may budget na ibinibigay bawat taon ang Kagawaran ng Edukasyon para sa subsidiya sa tanghalian ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang sa senior high at vocational school. Maaaring mag-apply ng subsidiya sa tanghalian bawat semestro kung nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at umaangkop sa mga kondisyon sa ibaba: 1. Pampublikong paaralang elementarya at junior high school sa Lungsod ng Taipei (1) “Low-income household”mag-aaral na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan. (2) Anak ng pamilyang “middle low-income household” na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan. (3) Mag-aaral mula sa pamilyang may problema sa pananalapi dulot ng biglaang pagbabago sa pamilya at itinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa pagkain sa tanghalian. (4) Mag-aaral mula sa tribong indigenous. (5) Mag-aaral na may pisikal o mental na kapansanan (kailangang may bisang sertipikasyon ng kapansanan na inisyu ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan, walang kaibahan sa antas na banayad, katamtaman o malubha). 2.Pampubliko at pribadong senior high school at senior vocational school sa Lungsod ng Taipei (1) “Low-income household”mag-aaral na inaprubahan ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan. (2) Mag-aaral mula sa pamilyang may problema sa pananalapi dulot ng biglaang pagbabago sa pamilya at itinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa pagkain sa tanghalian. 3. “Low-income household”mag-aaral, nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at nag-aaral ng senior high / vocational sa ibang county o lungsod. 4. “Low-income household”mag-aaral, nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at nag-aaral sa junior college sa buong bansa (pang-unang taon hanggang pangatlong taon) Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
