Subsidiya sa Pagsusuri ng Kalusugan matapos Ikasal at bago Mabuntis at Pagsusuri ng Down Syndrome sa Babaeng Nagdadalantao sa Taipei City Hospital
I. Kwalipikasyon sa Subsidiya (1) Pagsusuri ng Kalusugan matapos Ikasal at bago Mabuntis: May isa sa mag-asawang kasal, nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei at hindi pa nagkakaroon ng unang sanggol. (2) Pagsusuri sa Down Syndrome sa babaeng nagdadalantao (may subsidiya sa isa lamang, pagsusuri sa simula o sa kalagitnaan ng pagbubuntis): Mga kababaihang nagdadalantao at nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei. II. Paraan ng Pagsusuri (1) Pagsusuri ng Kalusugan matapos Ikasal at bago Mabuntis: Ang sinuman sa mag-asawang gustong magpasuri, lalaki man o babae, ay pumunta sa klinika ng Obstetrics and Gynecology sa alin mang branch ng Taipei City Hospital. Sabihin sa nars sa klinika at punan ang mga kaugnay na dokumento sa subsidiya at isubmite ang ID. (2) Pagsusuri sa Down Syndrome sa babaeng nagdadalantao: Kapag nagpa-prenatal eksaminasyon ang babaeng buntis sa alin mang branch ng Taipei City Hospital at nagbigay ang doktor ng listahan ng eksaminasyon, punan ang mga kaugnay na dokumento sa subsidiya at isubmite ang ID. Gagawa ng pagsusuri sa dugo ang ospital at gumawa ng appointment para sa ultrasound test sa Heping Fuyou Branch (Fuyou) branch. 【Address ng Heping Fuyou Branch (Fuyou) Branch: No. 12 Fuzhou St., Lungsod ng Taipei. Telepono para sa appointment sa ultrasound test: (02)2391-6470 ext. 1205】 III. Dokumentong dapat dalhin (1) Mamamayan sa Lungsod ng Taipei: Dalhin ang orihinal at photostat kopya ng Nasyonal ID, health card. (2) Bagong imigranteng may asawang mamamayan sa Lungsod ng Taipei: Dalhin ang orihinal at photostat kopya ng ID (ARC o pasaporte) ng taong magpapasuri, health card at orihinal at photostat kopya ng ID ng asawang nakarehistro ang tirahan sa Lungsod ng Taipei. IV. Mga babayarin: Maaaring i-proseso ang subsidiya kapag umaangkop sa kondisyon at kumpleto ang mga kaugnay na dokumento. Kailangan lamang ng bayad sa pagpaparehistro at bayad sa eksaminasyon, walang bayad sa bagay na susuriin (hindi maaaring magpalit ng bagay na susuriin). V. Mga bagay na dapat bigyan ng pansin: Hindi bawal kumain tuwing gagawin ang Pagsusuri ng Kalusugan matapos Ikasal at bago Mabuntis. Kapag susuriin ang semen ng lalaki, dapat umiwas sa pagtatalik nang 3 araw. Umiwas ang babae sa panahon ng menstruation (pinakamaganda ang isang linggo makaraan ang MC upang hindi maapektuhan ang resulta ng pagsusuri sa ihi).

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
