Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

4/2022 Netherlands / Araw ng Reyna

Ang Araw ng Reyna (Koninginnedag) ng Netherlands ay sa araw ng Abril 30, masasabing isang mahalagang pagdiriwang para sa mga taong taga-Netherlands. Sa dulo ng ika-19 siglo, iminungkahing isagawa ang aktibidad at ipagdiriwang ang kaarawan ng reyna upang magkaisa ang damdamin ng mga mamamayan sa buong bansa. Noong 1980 nang maging reyna si Beatrix, ginawa niyang Abril 30 ang sariling opisyal na kaarawan at matulad sa kaarawan ng kanyang ina upang maipahayag ang pagmamahal sa inang si Reyna Juliana. Mula noon, itinakdang Araw ng Reyna ng Netherlands (Koninginnedag) ang Abril 30. Isang araw ng pahinga ito sa buong bansa taon-taon. Napupuno ang kalsada ng may kulay pula, puti at asul na watawat ng Netherlands, mga bandilang kulay kahel na kumakatawan sa pamilya ng hari at reyna, mga taong naglalakad sa parada, may masiglang konsyerto at iba’t ibang uri ng pamilihan, tila pagdiriwang ng pistang napakasaya.