2026 Taiwan Lantern Festival
Ang Lantern Festival ay ipinagdiriwang sa a-kinse ng unang buwan sa Lunar calendar. Ayon sa alamat, nagkamaling napatay ng isang mangangaso ang isang ibon mula sa langit na sumanib sa sangkatauhan. Lubos na nagalit ang Diyos at bilang parusa, inutusan ang mga sundalo na sunugin ang lupa sa a-kinse ng unang buwan ng taon. Nalaman ng babaeng anak ng Diyos ang planong ito at ayaw niyang magdusa ang mga taong walang kasalanan. Sinabihan niya agad nang palihim sa mga tao, ilabas ang mga lantern, maglagay ng mga paputok sa ika-14, 15 at 16 ng unang buwan. Sa ganito, makikita ng Diyos mula sa langit na tila may apoy at sunog at napaparusahan ang sangkatauhan sa lupa. Makakaiwas ang mga tao sa pinsala. Sa mismong araw ng 15, nakita ng Diyos ang liwanag at narinig ang ingay ng mga paputok, inakala niyang naparusahan na ang sangkatauhan at umalis na. Mula noon, inilalabas ng mga tao ang lantern sa 15 ng unang buwan at nagpapaputok upang ipagdiriwang ang araw na naligtas sila sa sakuna. Sa araw ng Lantern Festival, nagpapaputok ng mga fireworks at isinasabit ang lantern bilang paraan ng paghihiling ng kapayapaan at kaligtasan ng pamilya at ng bansa. Ginaganap ang Lantern Festival sa iba’t ibang lugar sa Taiwan at dumadalo ang madaming tao. Tuwing Lantern Festival, naghahanda at kumakain din ng bilo-bilo na kumakatawan sa pagkabilog at pag-iisa. Masaya itong ipinagdiriwang bilang pagsalubong sa isang bagong taon.

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
