Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/63011/9078491/36603b4e-465b-46aa-8de3-8e8f70d8a11f.jpg


Bago mag-Pasko, pista ng pag-alaala kay Santa Lucia sa relihiyong Kristiyanismo ang Disyembre 13, Araw ni Santa Lucia. Ang Araw ni Santa Lucia ay may pinakamaiksing oras ng sikat ng araw sa loob ng isang taon kaya naging pista rin ng Hanukkah sa Kristiyano, kumakatawan sa pagsimula ng pista ng Pasko at nagsasaad din ng pagsapit ng liwanag ni Hesus Kristo sa araw ng Pasko. Ayon sa tradisyonal na kalendaryo sa Sweden, inaakala na ang Disyembre 13 ang may pinakamahaba at pinakamadilim na gabi sa buong taon. At pagkaraan ng Disyembre 13, magsisimulang umiksi ang oras ng kadiliman, unti-unting nadadagdagan ang oras sa araw, kumakatawan sa liwanag. Ipinagdiriwang ng mga tao sa Sweden ang araw na ito at tinatawag na “Pistang Pagsalubong sa Liwanag”.


Ayon sa alamat, asawa ng opisyal ng Roma si Lucia, isinilang sa ikalawang siglo AD, tapat at taimtim sa paniniwala sa relihiyong Kristiyanismo. Sa panahong iyon, salungat at kontra ang mga awtoridad ng Roma sa Kristiyanismo at nagpadala ng taong sumaksak sa dalawang mata ni Lucia, nagdulot ng kanyang pagkabulag. Subalit hindi mapalad si Lucia, nanatiling malalim ang pananampalataya at kanyang ipinagdasal ang liwanag. Di tumagal, lumabas ang himala. Nang nagmulat ng mata si Lucia, nakita niya ang liwanag. Mabait ang puso at loob ni Lucia at mula noon, itinuring siyang santo ng mga tao. Kasama ang kanyang alamat sa pagkalat ng Kristiyanismo sa Sweden at bilang paggunita kay Lucia, ipinagdiriwang ng mga tao sa Sweden ang pista sa kanyang ngalan.


Nagsisimula ang pagdiriwang ng pistang ito sa umaga ng Disyembre 13 bawat taon at may kakaibang katangian ng lokal na Sweden kung ihahambing sa lahat ng pistang pagdarasal sa liwanag. Sa araw ng Pista ni Santa Lucia, may makikitang mga bata sa mga paaralan at simbahan sa buong bansa, kulay puti ang kasuotan at may hawak na kandila sa kamay, nakapaligid sa isang madilag na babaeng kulay ginto ang buhok, parehong may kasuotang kulay puti, may kandilang kulay ginto sa koronang bulaklak sa ulo at magkakasamang naglalakad at kumakanta sa gabing may malamig na hangin sa hilagang Europa.